Sigrid Rose’s Cakes & Pastries simula ng pagyaman

Maganda, matalino, maldita! Yan ang best description sa ating young entrepreneur na si Sigrid Rose Villadelrey, 21 years old, at graduating student sa Polytechnic University of the Philippines sa kursong Hotel & Restaurant Management. Mind you, malamang na mag-graduate siyang magna cum laude – kung suswertihin.

Last year, binuksan ni Sigrid ang kanyang online business na tinawag niyang Sigrid Rose’s Cakes & Pastries. Home-based lang ito. Hindi masasabing big-time dahil isinisingit lamang niya sa kanyang pag-aaral ang pagbi-bake ng mga cake at cookies, ngunit mabenta ang kanyang carrot cake, na sinisegundahan ng kanyang Cookies ala Sigrid.

By order at free delivery ang kanyang mga produkto, ngunit kapag natatapat sa panahon ng examinations, napipilitan siyang tumanggi sa mga orders. Hopefully, kapag naka-graduate na siya, makakapag-concentrate na siya ng husto sa kanyang negosyo, at hopefully uli, soon, magsisimula na siyang maging yayamanin. NLV