Sigrid’s close encounter with the dolphins

Jayzl Nebre

Hindi inaasahan – at totoong ikinabigla niya at ayaw pa nga sana dahil hindi raw siya ready, pero napakagandang karanasan ang nangyari kay Sigrid Villadelrey sa kanyang Dolphin Encounter. Isa itong exclusive experience kasama ang dolphin trainers at mga friendly dolphins sa Ocean Adventure sa Subic, Zambales. Isang karanasang hinding hindi niya malilimutan – ang makasama kahit sasandali ang mga majestic creatures na ito sa malinis na karagatan.

Noong una ay reluctant siyang hawakan ang mga dolphins. Malay nya kung nangangagat ang mga ito! Pero hindi.

Napaka-friendly ng mga dolphins at nakikipagsayaw pa!

Sure, very sensitive ang balat ng mga dolphins. Madali silang magasgasan at bawat gasgas ay atagal gumaling. Sadya man o hindi, pwede mo talaga silang masaktan, kaya ingat na ingat si Sigrid sa paghawak sa kanila.

Mas maganda sana kung lalangoy siya kasama ng mga dophins – ang problema lang, hindi nga pala marunong lumangoy si Sigrid. Sayang. Kung ako yon, ang tuwa ko sana.

Tayong mga tao, tuwang tuwa tayo at aliw na aliw sa katalinuhan at pagiging masayahin ng mga dolphins. Isa yon sa mga dahilan kung bakit madalas silang maging commercially exploited sa mga marine parks, aquaria at “swim-with-the-dolphins” (SWTD) attractions, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ewan. Nakakabuo kasi tayo ng koneksyon sa kanila. Nauunawaan natin ang isa’t iisa kahit magkaiba tayo ng lengwahe. Mayroong exciting spectacle, tender, natural, at sayang hindi mo mararanasan sa ibang adventures. Nakakahawa kasi ang saya ng mga dolphins and the feeling is lasting, at mahirap kalimutan.

Parehong mammals ang tao at dolphins. That case, sakaling may sakit ang tao o dolphin, pwede silang magkahawahan, kaya kung may interaction, ingat din pag may time. Friendly ang mga dolphins pero sa totoo lang, wild animals sila na dapat tinatrato ng maganda at nirerespeto rin.

Maraming pagkakataong nakapagligtas ng buhay ng tao ag mga dolphins. Noong 2004 at 2007, pinaibutan ng mga dolphins ang mga nadisgrasyang surfers ng mahigit thirty minutes para hindi makalapit ag mga pating.

Nakikipag-communicate sila gamit ang iba’t ibang tunog at nonverbal gestures. Tulad ng tao, nagsasalita sila (gamit ang sarili nilang lengwahe) at nonverbal gestures para makipag-communicate sa isa’t isa. Kasama na dyan ang pagsipol, paglatak at burst pulses. At marunong din silang magmahal. Tactile and social ang mga dolphins.

Ipinakikita nila ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pagkuskos sa isa’t isa gamit ang kanilang mga pectoral fins. Mabilis lamang silang magtalik. Kapag lumalangoy ang dalawang dolphins ng belly-to-belly, yun, nagtatalik na sila.

Mahilig din silang maglaro at mag-acrobatic spins. Nakikipaghabulan sila sa alon o sumusunod sa mga barko. Very graceful swimmers sila na para bang laging nagsasayaw. Kagila-gilalas talaga sila, socially skilled sila, matalino, agile, masayahin, at mahilig maglaro – parang normal na tao lang. May unique identities and characteristics din sila.

Parang tao lang talaga. In fact, minsan, mas makatao pa sila sa tao. Madalas silang tumutulong sa mga injured na tao para maka-survive. Siguro, yon ang paraan nila ng pagpapakita ng awa.

Marunong silang rumespeto sa mga tao kaya dapat lamang na ibalik natin ito sa kanila. Kailangan silang maprtektahan. Kung hindi, sino pa ang tutulong sa mga mangingisdang inabot ng bagyo sa gitna ng karagatan?

Napakabait nila sa tao, bakit kailangan natin silang pagmalupitan? JVN