PINAGPAPALIWANAG ng isang consumer group ang Department of Trade and Industry (DTI) kasunod ng nadiskubreng pagtaas ng presyo ng tinapay.
Sa kabila ito ng abiso ng DTI noong kalagitnaan ng Nobyembre na wala nang magiging pagtaas sa lahat ng Noche Buena products.
Ayon kay Laban Konsyumer President Atty. Vic Dimagiba, base sa kanilang monitoring, nagmahal ng P1.50 ang presyo ng tasty bread na Garde-nia.
Wala rin aniyang anunsiyo ang DTI hinggil dito.
Samantala, nagtaas din ng presyo ang ibang bilihin. Base sa inilabas na Suggested Retail Price (SRP) ng DTI noong Nobyembre, naglalaro sa P135 hanggang P1,025 ang presyo ng hamon depende sa brand at timbang nito:
Fruit cocktail – P50.35 to P239.40; cheese – P49.50 to P269.50; sandwich spread – P21.05 to P205.80; mayonnaise – P28 to P283; keso de bola – P169 to P539; spaghetti – P19 to P92; macaroni – P18.75 to P98.65; spaghetti sauce – P22 to P84.20; tomato sauce – P12.25 to P78.25; creamer – P52 to P75.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ilang brand ng mga nabanggit na produkto ang nagmahal dahil sa pagtaas ng production costs.
Comments are closed.