NAKATAKDANG pasukin ng homegrown fast-food giant Jollibee Foods Corporation sa pagsisimula sa Arizona sa susunod na taon sa planong pagpapalawak sa North America.
“We are very excited to open our milestone Jollibee store in Arizona at around the first quarter of next year,” pahayag ni Jollibee North America senior brand manager Dianne Yorro sa isang panayam.
“This is in line with Jollibee’s accelerated expansion in North America and our vision of becoming among the top 5 restaurant companies in the world,” sabi pa niya.
Naunang sinabi ni Yorro sa Arizona news site na ang sangay na tindahan ng Jollibee ay bubuksan sa Chandler, isang siyudad sa kanluran ng capital Phoenix at bahagi ng Metro Phoenix area.
Kasama sa plano ang paglago sa 150 lugar sa US at 100 sa Canada sa susunod na limang taon.
Ang Jollibee ay may 41 na tindahan sa North America mula nang ito ay magbukas ng kanilang unang tindahan sa Daly City, California noong 1998.
“We look forward to serving our Jollibee favorites to the locals of Arizona very soon!” sabi ni Yorro.