SIKAT NA PIZZA PARLOR MAY SANGAY NA SA DUBAI

SHAKEY'S

NAGBUKAS kamakailan lamang ang isa sa nangungunang pizza parlor sa bansa ng kanilang unang tindahan sa Dubai, sa pag-asang tatangkilikin sila ng overseas Filipino workers na nasa Middle East para sa kanilang madaling paglago.

Nangako ang Aljeel Capital, ang nakakuha ng prangkisa ng Shakey’s sa Dubai, na magbubukas pa sila ng siyam pang tindahan sa susunod na limang taon, ayon sa Filipino restaurant operator sa isang panayam.

“Dubai, UAE, and the rest of the Middle East are great markets for us,” pahayag ni Shakey’s Pizza Asia Ventures president and CEO Vic Gregorio.

Nakalinya agad ang mga kostumer ng halos isang oras noong opening day, ayon sa report. Ang menu ay halal-certified, ayon sa kompanya.

Ang tindahan sa Dubai ay pangalawa sa international store para sa Shakey’s Pizza Asia Ventures, na may perpetual rights sa Shakey’s brand sa Middle East, Asia (excluding Japan and Malaysia), China, Australia, at Oceania.

Sinabi ng kompanya na plano nilang magbukas ng kahit 20 pang sangay sa labas ng Filipinas sa susunod na mga taon.

Ang karibal na Yellow Cab ay may tindahan na rin sa Dubai.

Comments are closed.