PORMAL na binuksan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 2018 Sikat Pinoy National Arts and Crafts Fair kamakailan na ipinakikita ang gawang katutubong Pinoy.
Tatakbo ang arts and crafts edition ng Sikat Pinoy trade fair ngayong taon mula Hunyo 14 hanggang 17 sa Megatrade Halls 1-3 ng SM Megamall sa Mandaluyong City.
Ang apat na araw na trade fair ay magsisilbing host ng 150 micro, small, at medium enterprises (MSMEs) mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa na ipinapakita ang mga produktong may disenyo ng katutubo. Nariyan ang mga gawang-kamay na produkto tulad ng pang-dekorasyon, tela, alahas, accessories ang ilan sa makikita sa Sikat Pinoy trade fair.
Maliban sa mga booth na nagbebenta ng arts and crafts, nagsagawa ang trade fair ng espesyal na setting na naghahandog ng ready-to-wear clothes na gamit ang mga katutubong tela.
Ang isang puwesto na nagtataguyod ng baybayin – isang makalumang panulat ng Tagalog – ay makikita rin sa Sikat Pinoy. Ang mga mamimili ay puwedeng magkaroon ng personalized items mula sa baybayin expert na isusulat ang pangalan sa T-shirts, bags, fans, at iba pang accessories ang ilan sa mga naroon.
Mayroon din mga lokal na pagkain at organic products na handog ng trade fair.
Noong 2017, nagkaroon ang Sikat Pinoy National Arts and Crafts Fair ng 266 exhibitors at nakalikom ng P26.59 milyon sa benta na dinaluhan ng 28,500 na bisita.
Ang Sikat Pinoy National Trade Fair ay isang taunang okasyon ng DTI Bureau of Domestic Trade Promotion (BDTP). Naglalayon ito na itaguyod ang world-class na produktong Pinoy sa merkadong lokal, ayon sa DTI.
Sinabi ni BDTP Assistant Director Marievic Bonoan sa isang panayam na ang apat na araw na trade fair ay naglalayon din na makabenta ng mga PHP26 milyon hanggang PHP28 milyon.
Sinabi pa ni Bonoan na sa nagdaang tatlong taon ng Sikat Pinoy National Arts and Crafts Fair, nagkaroon na ngayon ng dagdag na kaalaman sa mga mamimiling lokal sa mga produktong Pinoy lalo na ang may mga disenyong katutubo.
Sinabi niya na mayroong pag-aaral sa lumalagong demand sa mga millennials para sa mga produktong may social impact at nagtataguyod ng ating kultura.
Samantala, ibinahagi ni Bonoan na dinoble na ng Kongreso ang budget para sa Sikat Pinoy National Arts and Crafts Fair ngayong taon para madala ang trade fair sa labas ng Maynila.
Dagdag pa niya na sa pamamagitan ni Senator Loren Legarda – isang tagapagtaguyod ng indigenous peoples, nagtalaga ang Kongreso Congress ng tinatayang P20 milyon para sa Sikat Pinoy National Arts at Crafts Fair para sa ngayong taon, na nag-udyok sa BDTP na maglunsad ng parehong trade fair outside sa labas ng Maynila ngayong Oktubre.
Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng dalawang Sikat Pinoy National Arts and Crafts Fair sa loob ng isang taon. PNA
Comments are closed.