SIKLISTA SA 17 SIYUDAD DUMARAMI

Nakapagtala ng 271,555 siklista sa 17 siyudad at isang munisipalidad sa bansa noong taong 2023.

Mula sa 1,269 bo­luntaryo, tumaas sa 7.2% sa 15 siyudad ang bilang base sa 2023.

Layon nitong mas marami ang mahikayat na magbisikleta.

Nagsimula ang paggamit ng bisikleta sa pagpasok sa trabaho matapos ang COVID 19 pandemic.

Nagbigay na rin ng tinatawag na Mobility Awards bilang panawagan sa mga lokal na pamahaalan at mga tagagawa ng polisiya na pag-ibayuhin pa ang pagkakatoon ng mga ligtas na daan para sa mga nagbibisikleta.

Suportado ni Aimee Oliveros, Deputy Branch Manager, The Climate Reality Project Philippines, ang proyektong “Bilang Siklista.”

Ayon kay Arielle Ceine Tabinga ng National Coordinator Mobility Awards, kailangang manu-mano ang pagbibilang ng mga taong nagbibisikleta dahil wala pang automated machine para dito.  Ani Tabinga, “Hindi ito perpektong data pero mabuting simula.

Binibilang na ang mga siklista sa Mandaluyong, Manila, Quezon City, Pasig City, Taguig City, Marikina City, San Juan City, Muntinlupa City, Baguio City, Naga City, Iloilo City, Mandaue City, Cebu City, Davao City at Cagayan de Oro City.

 Nagkaroon ng counting workshop para sa mga boluntaryong nagbibilang ng siklista kasama ang mga taga-lokal na pamahalaan.

Ayon kay Chuck Baclagon, Co-convenor ng Mobility Awards, 350 Pilipinas, malaking tulong ang pagbibisikleta para mabawasan ang air pollution.

Ayon sa pag-aaral, 3% lamang ng kababaihang siklista ang naitala sa mga daanan, at 56% ang bilang ng mga siklistang guma­gamit ng helmet.

Ang manu-manong pagbibilang ay ginawa noong Hunyo 2023.

Nakapagtala sa Quezon City ng pang­araw-araw na average na 21,647 kasunod ang Mandaluyong City sa bilang na 20,276.

Ang Iloilo City naman ay nagtala ng mala­king bilang na itinaas na siklista sa 49.2%, patunay ng positibong epekto ng pagbibisikleta.

Hindi gaanong ma­raming nagbibisikleta sa Baguio CIty at Cagayan de Oro City dahil maburol dito at kulang sa mga imprastrukturang pang-bisikleta.

Ayon naman sa Department of Transporation (DOTr). Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Development Authority (MMDA), maayos din Ang pagbibisikleta sa Mandaluyong, Taguig at Quezon City.

Ang Bilang Siklista Bicycle Count Project ay bunga ng pagsisikap ng iba’it ibang kasapi sa Mobility Awards, katulad ng Institute for Climate and Sustainable CIties (ICSC), The Climate Project Phi­lippines, MNL Moves, 350.org, Pilipinas, at Pinay Bike Commuter Community mula sa ka-partner na siyam na rehiyon.

Riza Zuñiga