SIKLISTA SUMABIT SA TRAK TODAS

bisikleta

TULUYANG binawian ng buhay ang isang siklista matapos na masagi ang ulo at katawan nito sa isang nakaparadang kotse habang nakasabit siya sa truck para mapabilis ang takbo nito ka­makalawa ng hapon sa Sta.Cruz, Maynila.

Isinugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center subalit idineklarang patay ang biktimang si Adelino Pagtama.

Samantala, sumuko naman ang driver ng trai­ler truck na may plakang ABC-7376 na si Emmanuel Mateo.

Sa imbestigasyon ng Manila District-Traffic Enforcement  Unit, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon sa pa­nulukan ng Antipolo at Ipil Street, Sta. Cruz.

Bago ang insidente ay sumabit sa duluhang steel bumper ng trailer truck si Pagtama para bumilis ang takbo niya sakay ng bisikleta.

Pagsapit sa Antipolo St. ay nasagi siya sa isang light blue na Honda City sedan (ZMA 493) na nakaparada sa gilid ng kalsada kaya ito tumilapon ang biktima.

Nakatakda naman sampahan ng   kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide at Damage to Property ang  mga sangkot sa insidente. PAUL ROLDAN

Comments are closed.