SIKLISTANG NURSE, KAMPYON SA ULTRA GRAVEL CHALLENGE 2024 SA NEW CLARK CITY, PAMPANGA

BITBIT ang bayang pinagmulan, kam­pyon ang isang siklistang nurse sa taunang kompetisyon ng Ultra Gravel Challenge 260km Race na gina­nap sa New Clark City, Pampanga nitong nakalipas na Oktubre 5.

Kinilala ang Siklistang Nurse na si Louie Cupino ng Brgy. Kanluran, Rosario Cavite. May asawa at isang anak. Isang Registered Nurse at Certified Siklista. 11 taon ng Tuberculosis DOTS Nurse sa Rosario Health Unit.

Itinuturing na ang paligsahan na ito ang pinakamahirap na karera na dinadaluhan ng ibat ibang atleta galing sa ibat ibang rehiyon ng bansa.

Nilahukan ito ng halos 200 partisipante.

Ang pagpadyak ay nag-umpisa ganap na alas-5 ng hapon.

Buong gabing kumarera sa bundok at palayan ng bayan ng Pampanga, Cabanatuan, Nueva Ecija at Tarlac.

Matapos ang 10 oras, ganap na alas-3:00 ng umaga, Oct 6, 2024 ay nasungkit ni Cupino ang 1st Overall Champion at nagtala ng pinakamabilis na oras sa 260 km race kategorya.

Si Cupino ay nag­umpisang pumadyak at tumakbo taong 2015, bilang isang paraan ng kanyang ehersisyo.

Unti-unti siyang nahilig sa mundo ng siklista. Taong 2017 ng sumali siya sa  paligsahan tulad ng Duathlon.

Taong 2018 ng magbunga ang mga ensayo niya. Taong 2019 ay naging National Champion siya sa Duathlon na ginanap sa Clark Pampanga. Ito rin ang isa sa pinaka-highlight ng kanyang pagiging atleta.

SID SAMANIEGO