SIKRETO NI ALDEN SIDEKICK ANG NAKAAALAM

ALDEN-PAO-PAO

ANG bibo at super cute na Kapuso child star na si Yuan “Pao Pao” Francisco ang magiging sidekick nishowbiz salamin Alden Richards sa primetime series na Victor Magtanggol.

Gaganap si Yuan bilang pamangkin ni Victor na si Meloy.

Kuwento ni Yuan, “Lagi ako sumasama sa kanya kahit wala akong super power. ‘Tas ako lang po ‘yung nagsasabi ng ‘Go Tito, go Tito.’ Gumaganun lang po ako. Taga-cheer ako.”

Unang nakilala si Pao Pao sa high-rating telefantasya na Encantadia bilang tagapangalaga ng ikalimang brilyante.

Natutuwa naman si Alden kay Yuan na madalas kalaro at kakulitan niya on and off-cam.

Aniya, “Siya ang nakakaalam ng sikreto ni Victor Magtanggol. Siya ang magiging kasama ko sa mga adventure, siya magiging kasama ko sa training ko. Magaan katrabaho ‘yung batang ‘yun eh.”

Korek ka diyan, Alden Richards. Lalo na siguro kung papakainin mo siya lagi ng siopao sa taping ng Victor Magtanggol. ‘Yun na. Insert smiley, u!

YOUTUBE SENSATION MIKEY BUSTOS ENDORSER NG ‘FUN TAIPEI’

MIKEY BUSTOSMISMONG si Taipei’s Deputy Commissioner at Department of Information and Tourism Chen Yu-hsin ang siyang pumili sa comedian YouTube sensation na si Mikey Bustos para i-promote ang Taipei City as perfect city for food tulad ng mango shaved ice, beef noodles, fried chicken at ang kanilang pamosong stinky tofu pati na ang pag-travel sa Taipei sa  pamamagitan ng music video titled “My New Crushie” na base sa theme song ng 2017 Summer Universiade in Taipei City.

Tinanong ni yours truly si Mikey doon sa launching ng Fun Taipei cum food Taipei’s food tasting nito lang Hulyo 3, na ginanap sa Ascot Hotel Makati kung paano niya ikokompara ang slogan ng Fun Taipei sa slogan nating mga Pinoy na nagsasabing “It’s More Fun In The Philippines” lalo na ngayon sa administrasyon ni PDigong Duterte?

“Oooh, yah… what’s the difference? The fun here in the Philippines is very unique. But Fun Taipei is also unique especially in food, shopping, you know,” sabi niya in English Only Please dahil ipinanganak at laking Canada siya kahit na siya ay purong Pinoy sa itsura, up close and personal, in pernes.

At dahil more on Taipei’s food ang ipinatikim sa amin doon sa kanilang Fun Taipei launching ay mu­ling humirit si yours truly kung ito bang si Mikey Bustos ay naniniwala sa kasabihang “the way to a man’s heart is through his stomach.”

“Yes, hahaha… this is so true because my Mom is a great cook and whoever I’m gonna be with needs to be a good cook. So the way to a man’s heart and so to a woman’s heart is through food so in Taipei, I think is a great way into someone’s heart.

“Taipei’s food brings more love interest there…there will be romance…there is something beautiful about Taipei one on one at night,” lahad niya sa wikang Ingles uli.”

“All I know is, Taipei’s food is great… so eat Taipei’s food and travel there for peace and happiness,” ang masaya niyang pagtatapos sa aming one on one interbyu portion.

So ngayon, knows n’yo na ang kasagutan what’s in Taipei City in the eyes of a Filipino Internet Sensation, ‘yun na, boom and more fun in Taipei please para talbog ang mga kinabog ni Mikey Bustos sa YouTube. Pak, ganern!

 

Comments are closed.