NGAYONG 2021, ilang celebrities sa showbiz at pulitika ang namaalam ng walang abog-abog. Ipinagluksa sila ng kanilang mga kaanak at ng publiko, dahil hindi man lamang sila nakapagpaalam ng maayos. Alalahanin natin sila bago matapos ang taon. Unahin natin si:
ROYETTE PADILLA – Nagsisimula pa lamang ang 2021, January 9, ay nagluksa na ang mga Padilla dahil sa pagkamatay ng dating actor na si Royette Padilla, 58, dahil sa atake sa puso. Siya ay panganay na kapatid nina Robin Padilla, Rommel Padilla, at BB Gandanghari. Hindi na siya aktibo sa showbiz ngunit ang Padilla ay Padilla at hindi sila nakakalimutan ng masa
TONY FERRER – Sino ba ang makakalimot sa orihinal na Agent 007 ng Pilipinas na si Tony Ferrer. Inatake siya sa puso noong January 23, sa edad na 86 na siya niyang ikinamatay. Sikat siytya noong 1960s at 1970s bilang “James Bond of the Philippines,” kung saan sinusundan namang yapak ni Vhong Navarro. Kinilala siyang spy at secret agent na si Tony Falcon sa movie series na Agent X-44. By the way, lolo si Tony ni Donny Pangilinan na anak naman ni Maricel Laxa. Laxa ang apelyido ni Tony Ferrer sa totoong buhay. Anak rin niya ang dating beauty queen na si Mutya Crisostomo.
CLAIRE DELA FUENTE – Atake rin sa puso ang ikinamatay ng Karen Carpenter ng Pilipinas na si Claire dela Fuente noong March 30 sa edad na 63. Nagpositibo rin siya sa COVID-19, at nagkaroon ng complications due to comorbidities, tulad ng alta-presyon at diabetes. Matatandaang hangga ngayon ay kinakaharap pa ng kanyang anak na si Gigo de Guzman ang kaso sa pagkamatay ni Christine Dacera na agad naman niyang ipinagtanggol. Una siyang sumikat sa kanyang “Sayang” ngunit hindi lamang ito ang mga sikat niyang kanta.
MILDRED ORTEGA – Bihira na ang nakakakilala sa dating aktres na si Mildred Ortega na pumanaw noong April 8 sa edad na 68, matapos ma-stroke. Asawa niya si retired General Mitch Templo, at anak naman niya ang kilalang immigration lawyer at dating news anchor ng TV5 na si Mike Templo. Sumikat siya noong late 70s, kasabay nina Eddi Peregrina, Nora Aunor at Vilma Santos, ngunit nagpasiyang maging ulirang maybahay.
VICTOR WOOD – April 23 nang masawi ang Jukebox King na si Victor Wood, sa edad na 75 dahil sa kumplikasyon sa COVID-19. Sobrang sikat niya noong ‘70s kaya hindi lamang siya naging singing heartthrob kundi nakilala rin sa mga pelikula kasama sina Vilma Santos at Nora Aunor.
TOTO NATIVIDAD – Sinampalad rin sa COVID-19 complications ang 63-year-old TV and movie director na si Federico “Toto” Natividad noong April 27.
LE CHAZZ– Natagpuang patay noong Mayo 1 sa kanyang bahay sa Quezon City ang stand-up comedian at dating Wowowin co-host na si Le Chazz, o Richard Yuzon sa tunay na buhay. May diabetes si Le Chazz at ang kumplikasyon daw ng sakit nito ang dahilan ng pagkasawi ng komedyante.
RICKY LO – Pumanaw na rin noong May 4 ang beteranong entertainment editor-columnist na si Ricky Lo, dahil sa stroke. Kolumnista at entertainment editor siya ng The Philippine Star at naging host ng ilang showbiz talk shows.
ARTURO LUZ – Malaking kawalan sa mundo ng sining ang National Artist for Visual Arts Arturo Luz sa edad na 94, noong May 26. Siya ang unang director ng Metropolitan Museum of Manila, na pinagsilbihan niya simula 1976 hanggang. Anak ni Arturo ang singer na si Paola Luz na namatay na rin, at ang dating actress-model na si Angela Luz. Apo rin niya si Paulina Sotto-Llanes, anak ni Angela sa veteran TV host na si Vic Sotto.
ESTER CHAVEZ – Sumakabilang buhay rin ang Reyna ng Filipino radio drama na si Ester Chavez noong May 31, sa edad na 93 due to natural causes.
ARLENE TOLIBAS – Atake sa puso rin ang ikinasawi ng actress-TV director na si Arlene Tolibas noong June 3.
SHALALA – Ang dakilang alalay ni German Moreno (RIP) na si Shalala o Carmelito “Tolites” Reyes ay pumanaw na rin noong June 23 dahil sa pulmonary tuberculosis.
FORMER PRESIDENT BENIGNO “NOYNOY” AQUINO III – Namatay ang ika-15 pangulo ng Pilipinas na si Benigno “Noynoy” Aquino III, or Pnoy sa edad na 61 noong June 24 dahil sa renal disease secondary to diabetes.
MICHAEL “KYAAAH” BELAYA – Hindi malaman kung ano ang sanhi ng kamatayan ni Esports coach Michael ‘Kyaaah’ Belaya noong April 18 sa edad na 23.
CELIA DIAZ-LAUREL – Pumanaw ang stage actress na si Celia Diaz-Laurel noong July 12 sa gulang na 93 taon. Asawa siya ng dating ikalawaang pangilong si Vice President Salvador Doy Laurel, at ina ni theater actor Cocoy at singer Iwi Laurel.
BABY BARREDO –Ang co-founder ng Repertory Philippines na si Carmen “Baby” Barredo ay pumanaw na rin noong May 23 sa gulang na 80. Kasama niya sa RP sina Zeneida Amador, at nang lumaonn ay ang mga kabataang sina Monique Wilson, Cocoy Laurel, Cris Villonco, Pinky Amador, co-founder Leo Martinez, at Lea Salonga.
BUTCH DANS – Si Butch Dans ang bumuo ng The Thirdline Inc. na nag-manage sa Apo Hiking Society nan ang lumaon ay nag-manage na rin kina Leah Navarro, Florante, Joey Ayala at ang Bagong Lumad, Mike Hanopol, Mon David, Vernie Varga, Bituin Escalante, Yano, at Eraserheads.
HANS MORTEL – Kasama sa listahan ng mga pumanaw ngayong taon ang Comedian and TV personality na si Hans Mortel dahil sa pneumonia.
ORESTES OJEDA – Pancreatic cancer naman ang ikinamatay ng singer at actor na si Luis Pagalilauan na mas kilala sa tawag na Orestes Ojeda, noong July 27, 2021.
ATE SHAWEE – Liver cirrhosis ang tumapos sa buhay ni comedian Ate Shawee, na impersonator ni Megastar Sharon Cuneta. Ang tunay niyang pangalan ay Marvin Martinez.
MANOLING MORATO – Tinamaan ng Covid 19 si Manoling Morato, dating chief ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), at namatay noong July 30 sa edad na 87.
ARLENE DE CASTRO – Dating TV executive, asawa ni dating Vice President Noli De Castro na asi Arlene De Castro, ay lumisan sa mundong ito noong July 31.
ALDRIN PAULO “DUNOO” PANGAN – Covid rin ang ikinasawi ni esports community icon Aldrin Paulo “Dunoo” Pangan, a.k.a. Kuya D noong August 27.
Raymund Isaac – Kinuha rin ng Covid si celebrity photographer and visual artist Raymund Isaac noong September 4.
DINKY SOLIMAN – Nakalulungkot na pumanaw rin si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary Corazon “Dinky” Soliman noong September 19 dahil sa mga kumplikasyon dahil sa renal failure.
BIENVENIDO LUMBERA – September 28 naman nang mamatay ang National Artist for Literature na si Bienvenido ‘Bien’ Lumbera dahil sa stroke.
RICARDO PO SR. – Naoperahan ngunit nagkaroon ng kumplikasyon at namatay si Century Pacific Food Inc. founder and chairman emeritus Ricardo Po Sr. Siya ang tao sa likod ng Century Tuna, 555 Sardines, Argentina Corned Beef, Blue Bay Tuna at Birch Tree Milk. Siya rin ang restaurant operator ng Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc. at Arthaland Corp.
NOLI AURILLO – Covid na naman ang ikinasawi ng Pinoy guitar legend na si Noli Aurillo noong October 16.
HEBER BARTOLOME – Novenber 17 naman namatay si Pinoy folk legend Heber Bartolome.
MAHAL – Pumanaw si actress/comedienne Noemi Tesorero – mas kilala sa tawag na “Mahal” – noong August 31 dahil sa Covid-19- related complications. — KAYE NEBRE MARTIN