SILID-ARALAN SA ISANG PUBLIC HIGH SCHOOL NASUNOG

sunog

SORSOGON – NASUNOG ang tatlong silid-aralan sa isang eskuwelahan sa Sorsogon City.

Naganap ito alas-4:00 ng madaling araw kahapon sa Celestino Tabuena Memorial High School sa Brgy. Guinlajon.

Ayon kay Chief Insp. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police office, umabot sa ikalawang alarma ang sunog.

Inaalam pa ngayon kung ano ang naging dahilan ng sunog at kung ang mga nasirang gamit.

Makalipas naman ang isang oras ay naapula na ang apoy. AIMEE ANOC

Comments are closed.