SIM CARD REGISTRATION ACT MALAKING TULONG SA PNP

IKINAGALAK ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng SIM card Registration Act na isang sistema upang makilala ang nagmamay-ari ng mga SIM card.

Nabatid kay PNP Director for Information and Communications Technology Management (DICTM) PMGen. Rhoderick Armamento, malaking tulong ito laban sa mga kriminal na gumagamit ng anonymous na pre-paid SIM cards para isakatuparan ang kanilang ilegal na aktibidad.

Aniya, karaniwan na ginagamit ang pre-paid SIM cards para gumawa ng fake online accounts upang itago ang identity ng mga kriminal sa kanilang ginagawang panggagantso, pananakot, o pagbabanta sa mga biktima.

Matapos ang panloloko ay itinatapon na lamang ang mga SIM card kung kaya hindi na nate- trace pa ang gumamit nito.

Sa dami ng gumagamit ng mga cellphone, aminado ang pamahalaan na malaking problema sa kanila na ma-trace ang mga nanloloko lalo na ngayong sumisigla ang mga bookings gayundin ang mga transaksiyon gamit ang cellphones.

Lumilitaw sa record ng PNP Anti-Cybercime Group (ACG), 76 na insidente ng paglabag sa Access Devices Regulation Act, ang kanilang naitala, gamit ang cellphone .EUNICE CELARIO