SIM CARD REGISTRATION SUPORTADO NG PNP

MALAKI ang maitutulong ng SIM Card Registration Act upang mahinto ang mga panloloko gamit ang cellphones, SIM at internet.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. kabilang sila sa mga unang benepisyaryo ng nasabing batas na ipinatupad na nitong Disyembre 27.

“The Philippine National Police joins all the peace loving Filipinos in supporting the letter and intent of Republic Act No. 11934, otherwise known as Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act which was passed into law on October 10, 2022,” ayon kay Azurin.

Isa sa maaaring maresolba ng batas, ayon sa PNP chief ay matukoy ang mga kriminal gaya ng scammer.

Agad ding inilabas ni Azurin ang kanyang direktiba sa may 227,000 PNP personnel sa sumunod sa batas habang inatasan din nito ang PNP-Directorate of Information, Communication and Technology Management (DICTM) na i-monitor ang compliance ng lahat ng pulis, at non-uniform personnel para sa nasabing batas.

Maging ang mga nai-tap na force multipliers ng PNP ay hinimok din ni Azurin na sumunod sa SIM Card Registration.

Alinsunod sa implementing rules and regulation ng National Telecommunications Commission, mayroon lamang 180 araw para magparehistro ng SIM habang maaaring mapalawig pa ng 120 days sakaling mabigo sa registration.

Tiniyak din ng PNP na gagawin nila ang tungkulin upang makatugon sa layunin ng batas.

“Rest assured that the PNP, under my leadership, will do all our best within our authority and mandate to make this happen,” ayon kay Azurin. EUNICE CELARIO