NAKIKIDALAMHATI sa mga mananampalataya ang Simbahang Katolika sa Filipinas dahil sa pagkasunog ng bahagi ng makasaysayang Notre Dame Cathedral o kilala rin bilang Our Lady of Notre Dame, sa Paris, France.
“The Mother Church of the Philippines grieves with the Mother Church of Paris. As a church that suffered various calamities and destruction throughout the centuries, the Manila Cathedral grieves with the church in France for the fire incident in their beloved Notre Dame Cathedral. But amidst this grief, the resurrection of our Lord Jesus signals the hope of rebirth and reconstruction. As St. Paul says in his letter to the Corinthians, “we are hard pressed on every side, but not crushed; perplexed, but not in despair; persecuted, but not abandoned; struck down, but not destroyed,” pahayag ng Manila Cathedral sa kanilang official Facebook page.
Ayon naman kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, nagpahayag ito ng pag-asa na muling maipapaayos ang nasirang bahagi ng cathedral.
Naniniwala si Jumoad na ang naganap na sunog ay pagpapahiwatig na kailangang magbalik-loob ang mga tao sa Panginoon para mapatatag ang pananalig.
Sinabi ng arsobispo na higit na kailangang i-renew ng mga tao ang pananampalataya na madalas sinusubok ng apoy.
“Nalulungkot ako kasi nalaman ko nasunog po ‘yung Notre Dame Cathedral. Ito po ang simbolo ng ating pananalig, sana po ma-rehabilitate kaagad. At the same time, ito po ay nagpapahiwatig sa atin na kailangan po ang mga tao ay babalik sa Panginoon para hindi talaga mawala ‘yung ating pananalig. We have to renew our faith and then we have to remember that sometimes faith is tested by fire, but then we must continue to be strong in our faith,” ayon kay Archbishop Jumoad.
Ayon naman kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, na sa kabila ng malungkot na insidente ay mananatiling matatag ang pananampalataya sa Diyos.
“It is very sad news. We are all affected. Yet our faith to God stands firm and He will build them up. God is our comfort, He will console us all. Our prayers and holy masses are for them,” ayon sa Obispo.
Sa mahabang panahon ang Notre Dame Cathedral sa Paris ay nagsilbing sentro ng mga pilgrimage site at nakatakda sanang ibukas sa publiko ang mga relikya sa Biyernes Santo.
Ang Our Lady of Paris o kilala rin bilang Notre Dame Cathedral ay sinimulang itayo noong 13th century na sa kasalukuyan ay nagdiwang na ng kaniyang ika-856 na taon.
Habang isinusulat naman ang balitang ito ay kontrolado na ang sunog sa cathedral. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.