SIMBAHAN SA PANDACAN, MAYNILA NASUNOG

LABIS na ikinalungkot ng residente ng Pandacan, Maynila ang pagkasunog ng kanilang Sto. Niño Church kahapon.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Pandacan, mag-aalas-2 ng hapon nang sumiklab ang apoy sa nasabing simbahan.

Ayon sa BFP, umabot sa ikatlong alarma ang sunog na naapula makaraan ang halos kalahating oras.

Mabilis naman kinordon ng mga bombero ang lugar para hindi makalapit ang mga residente upang makapagsagawa ng imbestigasyon.

Hindi naman idine­talye kung magkano ang naging danyos ng sunog habang patuloy pa ang imbestigasyon kung saan nagsimula ang apoy. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.