SIMBAHAN TIWALANG MADARAKIP ANG MGA NAGPASABOG SA JOLO

jolo church

NAGPAHAYAG ng kumpiyansa ang isang Catholic priest na gagawin ng pamahalaan ang lahat para mapanagot kung sino man ang dapat panagutin sa naganap na pagsabog sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu, na ikasawi ng mahigit 20 katao at ikinasugat ng halos 100 iba pa.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng Catholic Bishops’ Confer-ence of the Philippines (CBCP), sa kabila ng sigalot sa pagitan ng mga opisyal ng Simbahan at ni Pangulong Rodrigo Duterte ay tiwala sila sa gagawing imbestigasyon ng pamahalaan sa naturang krimen.

“Let’s give them the benefit of the doubt,” pahayag ni Secillano sa panayam sa telebisyon.

Umaasa rin ang CBCP official na gagawin ng gobyerno ang lahat para mabigyang seguridad ang publiko kasama na rito ang Simbahan.

Sinabi ni Secillano na tatalakayin ng mga Obispo ng Simbahan ang mga posibleng security measures na gagawin kasunod ng naganap na pagsabog.

Hinikayat din nito ang publiko na maging mahinahon at huwag magpatalo sa takot kasunod ng madugong insidente. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.