SIMBAHANG KATOLIKO ‘DI MUNA NAGDAOS NG BANAL NA MISA

CBCP OFFICE

HINDI  muna nagdaos ng homiliya o nagsermon ang mga pari sa ilang mga banal na misa na idinaos nitong Sabado ng gabi, Hulyo 14, at Linggo, Hulyo 15 sa Maynila at Cubao.

Ito ay kasunod na rin ng kahilingan nina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at Cubao Bishop Honesto Ongtioco, na kapalit ng homiliya, ay basahin na lamang ang Pastoral Exhortation na inisyu ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa kanilang katatapos na 117th Plenary Assembly noong Hulyo 7 hanggang 9.

Sa isang circular letter, sinabi ni Manila Archdiocese Chancellor Fr. Reginald Malicdem na maaaring basahin ang naturang liham pastoral, kapalit ng homiliya ng mga pari, na karaniwang isinasagawa kasunod ng pagbabasa ng Mabuting Balita ng Panginoon.

Ang naturang pastoral exhortation, na may titulong “Rejoice and Be Glad” o “Magsaya Kayo at Magalak,” na mababasa sa mga wikang Tagalog at Ingles ay tugon ng CBCP sa ilang mahahalagang isyu sa bansa, partikular na sa sinasabing  paglapastangan sa Panginoon, na tinawag pa niyang estupido.

Nakasaad din sa pastoral letter ang pag­himok ng CBCP sa mga mananam­palataya na maglaan ng isang araw ng panalangin at pag-aayuno ngayong Hulyo 16, na araw ng Kapistahan ng Mahal na Birheng del Carmen.

Inimbitahan  ng mga Obispo ang mga mamamayan na makiisa sa kanila sa idaraos nilang tatlong araw na panalangin, pag-aayuno at pagkakawanggawa o National Days of Fasting and Almsgiving, mula Hulyo 17 hanggang Hul­yo 19.   ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.