SIMBAYANIHAN, TUGON NG SIMBAHANG KATOLIKA VS KAHIRAPAN, KATIWALIAN

INILUNSAD ng Simbahang Katolika ang Simbayanihan upang matugunan ang problema sa kahirapan at katiwalian sa bansa.

Pinangunahan ni Most Reverend Jose Colin Bagaforo ang pagdaraos ng First Simbayanihan National Congress na ginanap sa Caritas Philippines Academy sa Tagaytay City.

“The original sin of corruption is vote buying, thus Simbayanihan was designed to address the issue by forming and supporting principled politics and politicias and by creating critical vigilance among communities,” wika ni Fr. Tony Labiao, executive secretary ng Caritas Philippines.

Dumalo rin si Agri Partylist Rep. Wilbert Lee na tagasuporta ng Simbayanihan na nagbahagi ng kanyang karanasan sa nangyayaring katiwalian sa loob ng Kongreso.

Bukod pa rito, sama samang nagpakita ng pagkaisa ang mga nagsidalo sa programa sa pamamagitan ng paglagda sa Pledge of Commitment para isulong ang Sambayanihan.

Kabilang naman sa piling panauhin sina Rev. Fr. Rex Paul Arjona, Director Rogelio Reyes na nagpakita ng pagnais na matugunan ang nararanasang tumitinding kahirapan at katiwalian. BENEDICT ABAYGAR, JR.