NAKAGAWIAN na tuwing magpapasko ng mamamayan ng Tarlac ang paggawa ng malalaki, makulay at maiilaw na belen bilang bahagi ng kanilang tradisyon.
Ang paggawa ng malahiganteng mga belen na gawa mula sa mga recycled materials na taunan din ginagawang contest kung saan ang mga kalahok ay mula sa iba’t ibang komunidad at sektor sa lalawigan.
Sentro ng simbolo ng Belen ang ‘pag asa at pagkakaisa’ sa gitna ng pandemya.
Pasok sa final round ang Belen ng DSWD na ‘Bituin’ ang tema habang gawa naman sa mga gamit na hanger ang Belen ng Baluyot Family.
Mula sa mahigit 50 Belen entries, nasa 25 Belen ang pasok sa finals kung saan iaanunsyo ang mga mananalo sa iba’t ibang catergories sa unang linggo ng Disyembre.
Ito na ang ika-14 na taon ng Belenismo na inorganisa ng Tarlac Heritage Foundation.
Sa taunang kompetisyon ng Belenismo, hindi lamang ang focus sa sining ng mga taga Tarlac ang masasaksihan kungdi ang pagpupugay sa simbolo ng pag asa na hatid ng sanggol na isinilang sa belen na siyang tunay na diwa ng pasko.SIMBOLO NG PAG ASA at pagkakaisa.