SIMORA BRIDGE SA NORTHERN SAMAR PINASINAYAAN NG DPWH

PINANGUNAHAN  ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagbubukas ng Simora Bridge nitong Lunes sa Northern Samar.

Ayon sa naging pahayag ni Emil Sadain, chief implementor ng Build, Build program ng Duterte administration, dumalo rin sa naturang pagtitipon ang gobernador ng Northern Samar na si Edwin Marino Ongchuan, Northern Samar Philippine National Police (PNP) Provincial Director Police Colonel Alfredo Tadefa at iba pang lokal na opisyal.

Ang Simora bridge ay ang pinagkamabilis na daan patungo sa apat na munisipyo o Pacific town ng Northern Samar na kinabibilangan ng Palapag, Mapanas, Gamay at Lapinig.

Dahil dito ay mapabibilis ang pagtra-transport ng mga aning produkto katulad ng kopra at iba pang lokal na produkto sa mga pamilihan bayan.

Dagdag pa ni Sadain, magkakaroon ng maayos na pasilidad ang 80 percent ng 1,411 household na may 5,538 populasyon na karamihan ay nagkokopra at nagtatanim ng palay sa sakop ng siyam na barangay sa 1,274 ektarya ng lupang sakop ng proyekto sa mga remote coastal municipalities ng Paciific area.

Matatandaan na natengga ang construction nito ng apat na taon, bunsod ng pandemic kayat karamihan sa mga residente sa mga lugar na ito ay hirap na hirap lalo na kung mayroon mga may sakit na dadalhin sa mga pagamutan.

Malaking tulong ang tulay sa pag-unlad ng ekonomiya ng apat na mahihirap na munisipyo sa Pacific town, matapos ang ilang dekadang umano’y kapabayaan ng mga lokal na opisyal sa Second District ng Northern Samar. Froilan morallos