SIMPLE BATHROOM MAKEOVER IDEAS

BATHROOM

(Ni CS SALUD)

MAY MGA taong maya’t maya kung magpaganda ng kanilang bahay. Kapag medyo nagsawa na sila sa pagkakaayos ng kanilang mga kusina, kuwarto o kaya naman sala, binabago nila iyon. Inililipat sa ibang parte ng bahay ang mga gamit.  Naghahanap ng magandang paglalagyan. Iyong maaliwalas sa paningin. Iyong nakatatawag-pansin sakaling may bisita mang dumating.

May mga pagkakataon nga namang nakasasawa ang ayos ng ating mga bahay. At para lalo itong magningning at magkaroon ulit ng panibagong ku-lay at buhay, binabago natin. Nag-iisip tayo ng mga iba’t ibang ayos na puwede nating subukan. Madalas din ay nagre-research tayo kung ano nga bang ayos ng bahay ang swak ngayon na hindi naman tayo gagas­tos ng malaki. Isa lang naman kasi ang gusto ng marami sa atin, ang ma­panatiling maayos, maaliwalas at malinis ang ating tahanan.

At kung mayroon man tayong gustong pagandahin, isa sa hindi nawawala sa ating listahan ay ang bathroom. Bukod sa madalas natin itong gamitin, masarap din sa pakiramdam kung maganda at maayos ang nasabing lugar.

Sa mga nagpaplano at nag-iisip na pagandahin ang kanilang bathroom, narito ang ilang simpleng tips na nais naming ibahagi sa inyo:

MAGPLANO BAGO MAGSIMULA

Sa lahat naman ng bagay na ating gagawin, pagdedekorasyon man iyan o pagta-travel, napakahalagang pinag-iisipan natin iyang mabuti at pinagpaplanuhan.

Mas maganda kasi kung napag-iisipan at napagpaplanuhang mabuti nang maging maayos ang lahat at walang maging sagabal o problema.

Kaya naman, kung magpapaganda ng simpleng bathroom, mas mainam din kung pagpaplanuhan muna itong mabuti bago simulan.

Kailangan ding tanungin mo sa iyong sarili kung ano bang design ang gusto mong mangyari. Oo, marami sa atin ang gustong i-upgrade ang bath-room pero wala namang ideya kung paano ito gagawin.

Dapat ay alam mo na kung anong design ang gusto mong mangyari o plano mong gawin. Ha­limbawa na lang, kaila­ngan mo bang palitan ag pintu-ra ng inyong bathroom. O may kailangan bang tanggalin, ayusin o idagdag.

Kung nakaplano rin kasi at napag-isipang mabuti ang pag-aayos na ating gagawin, mas mapadadali ang pagtapos nito at masisiguro natin ang kagan-dahan nito.

MAGLAGAY NG WALLPAPER

Isa na sa pinakamadali at pinakamagandang puwedeng ilagay sa ating bathroom ay ang wallpapers. Sa simpleng paglalagay nga naman nito ay mapagaganda natin ang ating bathroom. Pumili lang ng wallpaper na swak sa paningin ng buong pamilya.

Ilan sa puwede ninyong subukan ay ang lotus wallpaper at citrus-yellow wallpaper. Hindi lang din naman ang mga dingding ang puwede nating lagyan ng wallpapers, puwede rin ang ceiling.

COLORFUL STORAGE

Storage, iyan ang hindi dapat mawala sa ating bathroom. Kung wala itong built-in storage o masyadong maliit, puwede kang maglagay ng shelf sa taas ng sink para madali ninyong makita at makuha ang mga bagay na ginagamit ninyo sa araw-araw.

Huwag ding kalilimutan ang itaas na bahagi ng iyong bathroom dahil magandang spot ito para paglagyan ng mga cabinet, shelf o kaya naman basket for toiletries.

DECORATING SCENTS

Isa pa sa dapat na hindi natin kinaliligtaan ay ang decorating scents. Maglagay nito sa inyong bathroom para kumalma at gumaan ang pakiramdam.

Para ma-refresh at ma-revitalize, subukan ang tea tree at eucalyptus scents. Perfect naman bago matulog ang scents gaya ng ylang ylang.

MAGLAGAY NG ARTWORK

Hindi lamang din naman sa mga kuwarto o sala natin puwedeng ilagay ang artwork na kinahihiligan natin. Puwede rin itong makadagdag ng ganda sa ating bathroom. Puwede rin nating ma­gamit ang mga ginawang artwork ng anak natin.

Mahilig mag-drawing at mag-paint ang mga bata. At kadalasan, maganda sa paningin ang mga nagagawa nila kahit na wala pa silang gaanong kama-layan sa kanilang ginagawa.

Kaya naman, imbes na itambak ang mga artwork na mayroon kayo, bakit hindi ninyo ito gamitin para madagdagan ang ganda ng inyong bathroom.

Kapag napapapunta tayo sa isang lugar—sa hotel o kaya naman sa bahay ng kakilala natin at nakita nating maganda ang kanilang bathroom, hindi na-tin maiwasang mainggit. Minsan nga ay ginagaya pa natin ang pagkakaayos nila.  Dahil may dekorasyon, naglalagay rin tayo. dahil may  mga nakadikit na kung ano-anong maaliwalas sa pakiramdam, gusto rin nating maglagay. Inaalam pa nga natin kung saan sila nakabili ng mga ipinanlagay nilang pan-dekorasyon.

Nakatutuwa nga namang pagmasdan ang mga bathroom na may magagandang design. Iyong tipong sa ganda nito, halos ayaw mo nang lumabas at piliing manatili na lang doon.

Hindi nga naman imposibleng magpaganda ng bathroom. Kahit na sino, puwedeng-puwede iyong gawin. Maging creative lang at tiyak na mag-iiba ang histura ng inyong bathroom. Tiyak na mapapasakamay na ninyo ang inaasam-asam ninyong magandang bathroom.

Hindi rin naman kailangang malaki ang ating bathroom para mapaganda natin ito. Kahit maliit lang ito, puwede pa rin natin itong pagandahin. Puwede pa rin natin itong ayusin para hindi lang ito maging simpleng bathroom.

May mga bathroom din na ang pinakadekorasyon ay mga libro. Marami rin naman kasi sa atin ang nagbabasa ng mga kinahihiligan nilang babasa-hin, lalong-lalo na iyong mga mahihilig talaga sa mga letra.

Kaya naman kung gusto mong i-upgrade ang inyong bathroom, subukan na ang  simpleng tips na ibinahagi namin. O kaya naman, maging creative ka nang mapaganda mo ang inyong bathroom sabihin mang maliit lang iyan.