UPANG maisulong ang kasiguraduhan sa pagkain ng bansa at “urban agriculture” sa Quezon City, inanunsyo ng QC Food Security Task Force (FSTF) ng lungsod ang pagpapatupad ng “simplified procedure” o pinasimpleng paraan ng pag- a-apply ng “idle land tax exemption sa mga may ari ng lupa upang magamit ang kanilang ‘di nagagamit na ari-arian para sa urban farming.
“We highly encourage landowners of idle lands to make use of their land for urban agriculture, which can help the city achieve its food security goals, especially now that we simplified our process,” ang sabi ni QC-FSTF Co-Chairperson Emmanuel Hugh Velasco.
Ito aniya ay base sa City Ordinance SP-2972 S-2020 na inaprubahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ng taong 2020 para sa exemption ng idle land tax payment para sa mga may ari ng lupain sa siyudad na gagamitin ang kanilang ari-arian na hindi ginagamit upang taniman at magamit sa agrikultura tulad ng composting.
Ipinaliwanag niya rin na ang naturang tax exemption ay puwedeng ipatupad sa loob ng tatlong taon sa aplikante kung ang layunin sa paggamit ng naturang ar-arian, ay ayon sa itinakda ng ordinansa.
Dagdag pa niya na maaari anyang ang makukuhang produkto sa urban farming dito ay pangpersonal na konsumo o pangpubliko.
Ayon kay Velasco, kasalukuyang may 1,026 urban farms sa naturang lungsod na pinamamahalaan ng 25,650 urban farmers.
“In order to strengthen our advocacy of achieving food security, landowners with idle lands that will be converted to urban farms need only to submit a one-time application to the city government.
This is a win-win solution for both the landowners and the city,” sabi ni Belmonte.
Sa ilalim ng naturang sinimplehang taxation na ito para sa may ari ng “idle” na lupain, ang mga landowner na mag -apply ay maaaring magpadala ng kanilang kahilingan para rito sa pamamagitan ng email.Kailangan din umano ng duly accomplished Application for Waiver of Idle Land Tax for Food Security, latest na litrato ng kanilang ari-arian, at isang kopya ng Real Property Tax (RPT) official receipt o Tax Bill,Tax Declaration , o Land Title,CTC o Titulo ng lupa., dagdag naman ni Velasco.
Sabi ni Velasco, ang FSTF naman ang mag aassess ng naturang aplikasyon para sa tax exemption nila ng kanilang “idle land” kasama ang mga mahahalagang supporting documents. Isang inspector ang magba-validate ng application at bibisita sa inia-apply na lupain.Pag na-validate na, ang mga aplikante at iisyuhan ng Urban Agriculture Certification (UAAC) na may lagda ng mayor.
Ang Certificate umanong ito ang magpapatunay na ang land owner ay nagkaroon ng inisyatibo na magsagawa ng mga aktibidad na pang- urban agriculture sa kanyang lupa. Ang UAAC ay ipapadala sa City Assessor;s Office (CAO) para sa idle Land Tax Delisting.
Ang aplikante ay mabibigyan ng notice sa pamamagitan ng email ng CAO na mag aaprubla ng kanyang idel Land Tax Exemption. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia