UMAABOT sa 66 kaso ang naitala ng Bureau of Customs (BOC) kaugnay sa nasamsam na smuggled agri products na may estimated value na P701.82 milyon simula noong Enero hanggang nitong Agosto 7.
Bukod sa pagkakakumpiska ng smuggled agri products, aabot sa 71 kasong kriminal ang isinampa ng BOC sa Department of Justice (DOJ) laban sa 71 importers, exporters at customs brokers kaugnay sa unlawful importation at exportation ng agri products na may total dutiable value na P186.98 milyon at total duties na buwis na nagkakahalaga na P76 milyon.
Ayon kay Acting Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, nagsasagawa ang BOC ng profiling laban sa smugglers bilang preventive measure sa illegal activities.
Inilatag at pinaigting din ng BOC ang intelligence at enforcement operations kung saan masusing inspection at examination ng mga container sa iba’t ibang port of entry nationwide.
Kasunod nito, nagsagawa ng ongoing administrative investigations laban sa mga opisyal at personnel ng BOC na sinasabing sangkot sa smuggled agri products.
Nabatid din na ipinatupad na ng BOC ang mandatory inspection ng mga reefer containers bago dalhin sa DA accredited cold storage facility.
Epektibo na ring ipinatupad ang Electronic Tracking of Containerized Cargoes (ETRACC) system para masiguro ang safe transit at transfer ng agri goods.
Masusing nakikipag-ugnayan ang BOC sa Department of Agriculture (DA) para sa inter-agency data exchange sa mga shipment at strenghtened derogatory and intelligence information coordination.
MHAR BASCO