(Simula kahapon) OPERATING HOURS NG LRT2 PINAHABA

LRT-2

PINALAWIG ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang operating hours ng LRT2.

Sa abiso ng LRTA, simula na kahapon ang pagpapahaba sa operating hours ng LRT2 upang mas maraming pasahero ang maserbisyuhan.

Mula sa orihinal na iskedyul na alas-8:30 ng gabi, ang huling commercial train ay aalis sa Antipolo station ng alas-9 ng gabi.

Gayundin, aalis ang huling commercial train mula sa Recto station ng alas-9:30 ng gabi mula sa dating alas-9 ng gabi.

“The move is line with the goal of the Department of Transportation (DOTr), under the leadership of Secretary Art Tugade, and the Light Rail Transit Authority to aid the commuting needs of the riding public by serving for longer hours as more employees are returning to onsite work and students attending face-to-face classes,” ayon sa LRTA.

Ang 17 kilometrong LRT2 ay may 13 istasyon, mula Recto Avenue sa Maynila hanggang Masinag sa Antipolo, Rizal.