SIMULA na bukas, Hulyo 1, ang pagpapatupad sa libreng toll sa mga motorista na dadaan sa Manila-Cavite Toll Expressway (Cavitex).
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang mga motorista na gagamit ng Cavitex ay magkakaroon ng 30-day toll holiday, makaraang aprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang board resolution na nagsusupinde sa fees epektibo 1.
Sinang-ayunan ng TRB ang rekomendasyon ng Philippine Reclamation Authority, na nagsisilbing operator ng Cavitex, na gawing libre ang paggamit sa kalsada sa buong buwan ng Hulyo sa lahat ng klase ng sasakyan.
Ikinatuwa ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang hakbang ng PRA na suspindehin ang pangungolekta ng toll para sa lahat ng sasakyan na dumadaan sa Cavitex sa Taguig, Parañaque, Las Piñas, Bacoor, at Kawit sa loob ng 30 araw.