SIMULA NA NG PASKO

SA pagpasok ng Setyembre, nagsimula na ang Kapaskuhan para sa ating mga Pinoy. Tayo nga ang may pinakamahabang selebrasyon ng Pasko sa buong mundo. Ngunit ngayong 2021, ikalawang Pasko na sa panahon ng pandemya ang ating mararanasan.

Sa kasalukuyan, mataas pa rin ang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil na rin sa pagkalat ng Delta variant.

Lumagpas na sa 2 milyon ang nagkasakit dito sa Pilipinas.

Mahirap magsaya at magdiwang sa ganitong sitwasyon. Marami tayong kababayan ang may sakit o namatayan, nawalan ng trabaho o dumaranas ng hirap dahil sa pandemya. Dahil dito, mungkahi kong gawing simple ang pagdiriwang ng Pasko ngayong taong ito, at pagtuunan natin ng pansin ang pagtulong sa iba, kung may kakayahan tayo. Ito rin naman ang tunay na diwa ng Pasko.

Kung hindi pa maaaring makipagkita sa mga mahal sa buhay, may ipagpapasalamat pa rin tayo dahil sa teknolohiyang nagbibigay daan na makausap o makita sila virtually. Kung limitado ang badyet para sa magarbong selebrasyon, alalahanin nating hindi handaan o regalo ang mahalaga kundi ang diwa ng Pasko sa ating mga puso.

May misa sa internet. Maaaring magbasa ng kuwento ni Hesus para sa mga bata, o manood ng Christmas family movie. Napakaganda na gawing tradisyon ang pananalangin nang sama-sama. Pwede ring gumawa ng mga regalong gawang-kamay, kasama ang ating mga anak, o magluto ng simpleng pagkain kasama ang mga bata. Magsabit ng mga dekorasyon sa tulong ng buong pamilya–di kailangang bumili ng bago. Kung tutuusin, makakahanap tayo ng makabuluhang paraan upang maipagdiwang ang Kapaskuhan.

At huwag nating kalimutan ang magpasalamat dahil sa kabila ng lahat, napakaraming biyaya pa rin ang ating tinatanggap araw-araw.

5 thoughts on “SIMULA NA NG PASKO”

  1. 27658 216163Likely to commence a business venture around the refers to disclosing your products and so programs not just to individuals near you, remember, though , to several potential prospects more by way of the www often. earn dollars 780553

Comments are closed.