(Simula na ngayong araw) LIFETIME MOBILE NUMBER

AARANGKADA na ang Mobile Number Portability Act (MNPA) simula ngayong araw, Setyembre 30.

Kaugnay nito ay pinaalalahanan ni Senador Win Gatchalian ang  telecommunications companies na ingatan ang mga personal na impormasyon ng mga mobile subscriber, siguruhin ang cybersecurity at maglatag ng sapat na mekanismo para sa kapakanan ng mga konsyumer habang nagpapalit ng service provider.

“Sa panahon ngayon na talamak ang iba’t ibang modus gamit ang mga online at mobile application platforms, importante na sinisiguro natin sa mga subscriber na mahigpit ang pagtalima ng telcos sa Data Privacy Act na kaakibat ng batas na ito at hindi mapapasakamay ng mga hindi awtorisadong tao ang kanilang personal data,” ani Gatchalian, may-akda ng Republic Act No. 11202 o ang Mobile Number Portability Act.

Hinikayat ni Gatchalian ang National Telecommunications Commission (NTC) at ang National Privacy Commission (NPC) na pangasiwaan ang tamang pagpapatupad ng batas na nagpapahintulot sa mga mobile phone subscriber na lumipat sa ibang service providers nang hindi na kinakailangan pang magpalit ng numero ng kanilang telepono at magbayad ng interconnection fees.

Hinimok din ng senador ang mga kinauukulang ahensiya na siguruhing mapoproteksiyunan ang kapakanan ng mga subscriber at iwasang isapubliko ang kanilang mobile numbers nang walang pahintulot.

Naging usap-usapan ang ganitong konsepto sa kontrobersiyal na Netflix Korean series na Squid Game. Bahagi ng naturang palabas ang paglalathala ng dapat sana’y gawa-gawang telephone number ng isang kalahok na kalauna’y lumalabas na siya mis-mong telephone number ng contestant. Pinutakti tuloy ang may-ari ng numero ng prank calls at text messages mula sa mga sumusubaybay ng nasabing palabas.

Binalaan ni Gatchalian ang publiko sa pagpo-post sa online ng mga phone number lalo na kung wala itong pahintulot ng may-ari dahil may kaukulang parusa ito sa ilalim ng Data Privacy Act.

“Sa panahon ngayon na kailangan natin ng mas maayos na serbisyo lalo na’t halos nakadepende na tayo sa ating mga mobile phones sa mga araw-araw nating gawain, mahalaga na maisakatuparan na ito at libre tayong makapamili ng serbisyo ng gusto nating telco,” ani Gatchalian. VICKY CERVALES

206 thoughts on “(Simula na ngayong araw) LIFETIME MOBILE NUMBER”

  1. Great post. I was checking constantly this blog
    and I am impressed! Very useful information specially the last part 🙂 I care for such information a lot.

    I was looking for this certain info for a very long time.
    Thank you and good luck.

  2. 320926 238433Wow that was strange. I just wrote an extremely long comment but after I clicked submit my comment didnt appear. Grrrr effectively Im not writing all that more than once more. Regardless, just wanted to say great blog! 74394

Comments are closed.