(Simula na noong Nob. 1) FISHING BAN SA PALAWAN

NAGSIMULA na ang tatlong buwang closed fishing season para sa round scad o galunggong sa Palawan, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang annual fishing ban ay nagsimula noong Nobyembre 1, 2023, at taragal hanggang Enero 31, 2024.

Ipagbabawal naman ang , sardines, herring, at mackerel fishing sa Visayan Sea, gayundin ang sardine fishing sa Zamboanga Peninsula, mula Nobyembre 15, 2023 hanggang Pebrero 15, 2024.

Ayon kay BFAR Chief Information Officer Nazzer Briguera, ang fishing ban ay ipinatutupad para magkaroon ng pagkakataon ang fish stocks na makapag-repopulate.

Upang maibsan ang epekto ng closed fishing season, sinabi ni Briguera na plano ng pamahalaan na umangkat ng 35,000 metric tons ng isda —galunggong, mackerel, bonito, at moonfish.

Ititigil, aniya, ang pag-angkat sa fishing season para hindi magkaroon ng kompetisyon sa pagitan ng local production at ng importation.