(Simula ngayong araw) PETROLYO MAY BAWAS PRESYO

PETROLYO-22

MATAPOS ang Ilang magkakasunod na linggong pagtaas ay nag-anunsiyo kahapon ang mga kompanya ng langis ng rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na tatapyasan nila ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P0.10, diesel ng P0.35, at kerosene ng P0.55.

Magpapatupad ang Petro Gazz at Cleanfuel ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.

Ang rolbak ay epektibo simula ngayong alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng bawas-presyo sa alas-8:01 ng umaga.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Marso 2, 2021, ang year-to-date adjustments ay may net increase na P6.20 kada litro para sa gasolina, P5.70 kada litro sa diesel, at P5.05 kada litro para sa kerosene.

One thought on “(Simula ngayong araw) PETROLYO MAY BAWAS PRESYO”

  1. 264827 936511An intriguing discussion will probably be worth comment. I believe which you basically write considerably a lot more about this subject, it may well become a taboo topic but typically consumers are inadequate to communicate in on such topics. To yet another. Cheers 638890

Comments are closed.