SIMULA NGAYONG ARAW PRESYO NG GASOLINA SISIRIT; ROLLBACK SA DIESEL AT KEROSENE

MULING sisirit ang presyo ng gasolina ngayong araw samantalang magpapatupad naman ng oil price rollback sa diesel at kerosene ang mga kompanya ng langis sa ika-apat na pagkakataon.

Sa abiso kahapon ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation tumaas ng P0.10 ang kada litro ng gasolina samantalang nagtapyas naman ng P0.10 sa kada litro ng diesel at P0.35 naman sa kada litro ng kero-sene.

Nagpatupad din ang Eastern Petroleum Corporation at Petro Gazz  ng pagtaas sa gasolina at tinapyasan din ang pres­yo ng diesel na kahalintulad ang halaga samantalang wala naman silang paggalaw sa kero-sene.

Ang dagdag-bawas ay ipatutupad ng mga oil companies ngayong 6:00 ng umaga.

Inaasahang magpapatupad din ng price adjustment ang iba pang oil companies sa kahalintulad na hala-ga.

Sa kasaluku­yang data ng Department of Energy (DOE) ang presyo ng gasolina sa bansa ay umabot ng  P45.14 hanggang  P60.79,   P41.50  hanggang P50.33  naman  sa diesel at   P45.25 hanggang  P53.93 na-man sa kerosene.      MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.