MAY PAGTAAS sa presyo ng gasolina at diesel simula ngayong araw, habang may tapyas naman sa kerosene.
Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp., nasa P0.15 kada litro ang itataas ng presyo ng kanilang gasolina, P0.25 kada litro sa diesel, habang may rolbak naman na P0.15 sa kada litro ng kerosene.
Magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong adjustment sa diesel habang walang pagbabago sa presyo ng kanilang gasolina.
Epektibo ang price adjustments ngayong alas-6 ng umaga maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng pagbabago sa alas-4 ng hapon sa kaparehong araw.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Mayo 18, 2021, ang year-to-date adjustments ay nagtala ng net increase na P8.35 kada litro para sa gasolina, P6.95 kada litro para sa diesel, at P6.00 kada litro para sa kerosene.
814224 984022Glad to be one of several visitors on this awing website : D. 114079