SA IKALAWANG sunod na linggo ay muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Seaoil Philippines Inc. na may dagdag na P0.50 sa kada litro ng gasolina, P0.95 sa diesel at P0.60 sa kerosene.
Magpapatupad ang Cleanfuel at Petro Gazz ng kaparehong adjustments, maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.
Epektibo ang taas-presyo ngayong alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Caltex na magpapatupad ng kaparehong adjustments sa alas-12:01 ng umaga, at Cleanfuel sa alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang Agosto 31, 2021, ang year-to-date adjustments ay may total net increase na P12.85 kada litro para sa gasolina, P9.95 kada litro sa diesel, at P8.10 kada litro para sa kerosene.
2111 12886After study several with the weblog articles for your internet internet site now, and i also genuinely such as your strategy for blogging. I bookmarked it to my bookmark internet internet site list and are checking back soon. Pls take a look at my web page in addition and tell me what you believe. 372721
157601 206871Great info, better still to locate out your weblog that has a terrific layout. Nicely done 327730