(Simula ngayong araw) PRESYO NG PETROLYO MAY TAPYAS

Petrolyo

MAY kakarampot na bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong araw.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na tatapyasan nila ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P0.25, at ng kerosene ng P0.10. Wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.

Magpapatupad ang Cleanfuel at Petro Gazz ng kaparehong price adjustments maliban sa kerosene na hindi nila ibinebenta.

Epektibo ang rolbak sa alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na mag-aadjust ng presyo sa alas-8:01 ng umaga.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Abril 6, 2021, ang year-to-date adjustments ay may total net increase na P6.80 kada litro para sa gasolina, P4.65 kada litro para sa diesel, at P3.55 kada litro para sa kerosene.

6 thoughts on “(Simula ngayong araw) PRESYO NG PETROLYO MAY TAPYAS”

  1. 699649 516656Keep up the great piece of work, I read few posts on this internet internet site and I think that your web weblog is genuinely interesting and contains lots of superb details. 523763

Comments are closed.