(Simula ngayong araw) TAAS-PRESYO NA NAMAN SA PETROLYO

PETROLYO-18

MULING magpapatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis simula ngayong Martes.

Sa abiso ng Shell, Petro Gazz, Cleanfuel, Seaoil, Caltex, at PTT Philippines, tataas ng P0.40 kada litro ang presyo ng diesel at P0.50 kada litro sa gasolina.

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil at Caltex ng P0.30 price hike sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang price adjustments alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng umaga at Cleanfuel na magbabago ng presyo sa alas-4:01 ng hapon.

Ang adjustments ay sanhi ng paggalaw ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), ang presyo ng Dubai crude ay tumaas ng USD2.40 per barrel sa May 31-June 4 trading days.

Sa parehong  trading week, ang Means of Platts Singapore (MOPS) prices para sa gasolina at diesel ay tumaas din ng USD0.85 per barrel at USD2 per barrel, ayon sa pagkakasunod.

Sa panibagong price hike na ipatutupad ngayong linggo, ang year-to-date increase sa presyo ng gasolina ay nasa P10 per liter, P8.55 per liter sa diesel, at  P7 per liter para sa kerosene.

Ito na ang ika-4  sunod na linggo na may pagtaas sa presyo ng gasolina, ika-9 sa diesel at ikatlo sa kerosene.

Noong nakaraang Martes, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.20, diesel ng P0.55, at kerosene ng P0.60.

178 thoughts on “(Simula ngayong araw) TAAS-PRESYO NA NAMAN SA PETROLYO”

  1. Pingback: 2credulity
  2. Prescription Drug Information, Interactions & Side. Learn about the side effects, dosages, and interactions.
    https://clomiphenes.com where to get generic clomid without prescription
    Read now. safe and effective drugs are available.

  3. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Everything what you want to know about pills.
    canadian drugs online
    Read information now. Learn about the side effects, dosages, and interactions.

Comments are closed.