KASADO na ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.
Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tataas ng P0.35, diesel ng P1.40, at kerosene ng P1.20.
Magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na wala sila.
Epektibo ang price hike sa alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng adjustments sa alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.
Noong nakaraang Martes, Mayo 9, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P2.20, diesel ng P2.70, at kerosene ng P2.55.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Mayo 9, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P3.85 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay bumaba ng P7.05 kada litro at kerosene ng P7.50 kada litro.