MAY pagtaas sa presyo ng diesel at kerosene habang walang paggalaw sa gasolina simula ngayong Martes.
Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Seaoil Philippines Corp. na tataas ang presyo ng kada litro ng diesel ng P0.30, at kerosene ng P0.65.
Magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na wala sila.
Epektibo ang price hike sa alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Caltex na mag-a-adjust ng presyo sa alas-12:01 ng umaga at Cleanfuel sa alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.
Noong nakaraang Martes, Nobyembre 21, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P0.75, diesel ng P0.65, at kerosene ng P0.60.
Sa kabila nito, year-to-date, ang presyo ng petrolyo ay nananatiling mataas.
Sa datos ng DOE, hanggang Nobyembre 21, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P12.30 kada litro, diesel ng P5.70 at kerosene ng P1.09 kada litro.
LIZA SORIANO