(Simula ngayong Martes) PRESYO NG PETROLYO MAY BAWAS

petrolyo

MAY rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.

Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bababa ng P0.60, diesel ng P0.30, at kerosene ng P0.60.

Magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong price adjustments, maliban sa kerosene na wala sila.

Epektibo ang rolbak sa alas-6 ng umaga para sa Shell at alas-12:01 ng umaga para sa Cleanfuel.

Noong nakaraang Martes, Mayo 30, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P1.10, habang may bawas na P0.35 sa kada litro ng kerosene. Wala namang naging paggalaw sa presyo ng diesel.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Mayo 30, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P6.10 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay bumaba ng P5.05 kada litro at kerosene ng P6.75 kada litro.