EPEKTIBO na sa Lunes, Agosto 21, ang pagtaas ng toll sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) makaraang aprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang rate adjustments nito.
Sa isang statement, sinabi ng Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) na ang toll hike — na pinapayagan tuwing tatlong taon — ay nasa ₱2 hanggang ₱25.
Sinabi ng CIC, kasama ang Philippine Reclamation Authority, na naghain ng petisyon ang kompanya para sa periodic toll rate adjustments para sa R-1 Expressway (Seaside to Zapote) at R-1 Expressway Extension, Segment 4 (Zapote to Kawit) sa TRB noong 2017.
Simula sa Agosto 21, mula Seaside hanggang Zapote, ang bagong toll ay mula ₱33 hanggang ₱35 para sa
• class 1 vehicles (regular cars at SUVs), mula ₱67 hanggang ₱70 para sa
• class 2 vehicles (buses at small trucks), at mula ₱100 hanggang ₱104 para sa
• class 3 vehicles (large trucks.
Samantala, ang mga motorista na bibiyahe mula Zapote hanggang Kawit ay sisingilin ng ₱64 hanggang ₱73 para sa
• class 1 vehicles (regular cars at SUVs), ₱129 hanggang ₱146 para sa
• class 2 vehicles (buses at small trucks), at ₱194 hanggang ₱219 para sa
• class 3 vehicles (large trucks).
Sa hiwalay na statement, sinabi ng TRB na ang toll hike ay inaprubahan matapos ang masusing pagrebyu at pagsunod ng CIC at PRA sa itinakdang procedures at requirements.
Upang mapagaan ang epekto sa public utility vehicle (PUV) drivers at operators, sinabi ng CIC na ire-reactivate nito ang Abante Card program, na magpapahintulot sa kanila na magbayad ng lumang toll rates ng ilang buwan.
“We recognize the impact of the toll increase on Class 1 and Class 2 PUV drivers. That’s why we’re reactivating our Abante Card program to provide some relief during this transition. With the Abante Card, PUV drivers will have the opportunity to adjust and enjoy the old toll rates for a period of about three months. We believe this program will help alleviate the financial burden on our valued PUV drivers and provide them with a smoother transition during this time,” sabi ni Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) President and CEO Rogelio Singson.
Ang CIC ay isang subsidiary ng Pangilinan-led MPTC.