ISINAMA na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang Portugal sa ‘red list’ para sa COVID-19 na nangangahulugan na ang mga biyahero mula sa naturang bansa ay bawal pumasok sa Pilipinas dahil sa mataas na panganib ng infection.
Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, inaprubahan ng IATF-EID ang direktiba, na epektibo sa Disyembre 12, alas-12:01 ng umaga, hanggang Disyembre 15.
“Passengers who have been to Portugal within 14 days immediately preceding arrival in the Philippines and who arrive on or after 12:01 a.m. of December 12, but before 12:01 a.m. of December 15, shall be required to undergo facility-based quarantine for 14 days with a reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test on the 7th day, with Day One being the date of arrival,” ayon kay Nograles.
Sa kabila ng negative RT-PCR result ay kailangan pa ring kumpletuhin ang 14-day quarantine.
Tanging mga Pinoy na uuwi sa bansa via government-initiated o non-government-initiated repatriation, at Bayanihan Flights ang papayagang makapasok, subalit kailangang sumunod sa umiiral na testing at quarantine protocols para sa red list
Ang iba pang mga bansa na nasa ‘red list’ hanggang Disyembre 15 ay ang South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, Mozambique, Austria, Czech Republic, Hungary, the Netherlands, Switzerland, Belgium, France, at Italy. LIZA SORIANO