(Simula sa Disyembre 1) MANDATORY VAX SA ON-SITE WORKERS

SIMULA sa Disyembre 1, 2021 ay mandatory na ang pagpapabakuna kontra COVID-19 ng mga on-site at transport worker sa bansa.

Ito ay makaraang aprubahan ng Inter- Agency Task Force (IATF) ang mga polisiya para mapalakas ang vaccination rollout sa bansa, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Saklaw ng kautusan ng Pangulo ang mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor.

“In compliance with the directives of President Rodrigo Roa Duterte, the Inter-Agency Task Force approved measures to employ a whole-of-government solution to increase demand for COVID-19 vaccination,” pahayag ni Roque.

Sinabi ni Roque na lahat ng mga negosyong nasa mga lugar na may sapat na supply ng bakuna ay kinakailangang mapabakunahan ang mga manggagawa na gumagawa ng on-site na trabaho.

“In areas where there are sufficient supplies of COVID-19 vaccines, vaccination of eligible employees tasked to do on-site work shall be required by all establishments and employers in the public and private sector,” sabi ni Roque.

Tiniyak naman ng kalihim na hindi sisibakin ang mga manggagawang hindi bakunado subalit kinakailangang sumailalim sa regular RT-PCR test o antigen tests  at sila na rin ang gagastos.

“Eligible employees, who remain to be unvaccinated may not be terminated but they shall be required to undergo regular RT-PCR testing, or antigen tests,,at their own expense,” dagdag ni Roque.

Kinakailangan ding fully vaccinated ang lahat ng mga manggagawa sa public at transport services,  partikular ang mga tsuper, kundoktor, mga manggagawa sa mga sasakyang pandagat , pati na ang mga nagtatrabaho sa mga eroplano bilang kondisyon lara makapagpatuloy ng operasyon ang mga ito. EVELYN QUIROZ