INAPRUBAHAN na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa National Capital Region (RTWPB-NCR) ang P500 dagdag sa monthly minimum wage para sa kasambahay.
Sa Wage Order No. NCR-DW-05, sinabi ng NCR wage board na ang bagong minimum wage sa rehiyon para sa sektor ay magiging P7,000 na kada buwan.
“The new minimum wage for kasambahays in the region is at P7,000 a month, which is P500 higher than the previous rate,” pahayag nito sa isang statement.
Ang kasalukuyang monthly minimum wage ng mga kasambahay sa Metro Manila ay P6,500.
Ang bagong wage hike ay epektibo sa Jan. 4, 2025.
“All domestic workers in the NCR are covered by the wage order, regardless of their type of employment, whether live-in or live-out,” dagdag pa ng NWPC.