(Simula sa Enero– BSP)INFLATION HUHUPA NA

INFLATION

INAASAHAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magsisimula nang bumagal ang inflation sa Enero, ayon kay Governor Felipe Medalla.

Sinabi ni Medalla sa The Mangahas Interviews na magsisimula nang maging normal ang inflation matapos na mag-peak ito ngayong Disyembre, kasunod ng 14-year high na 8.0% noong nakaraang buwan.

“Well ang tingin ko, huhupa na ang inflation, so inflation will be normal by the third, the fourth quarter of 2023. This hopefully will continue for the rest of 2024., so inflation will be normal by the third, the fourth quarter of 2023. This hopefully will continue for the rest of 2024,” aniya.

“January will be lower than December. February inflation will be lower than January, and so on and so forth so that by July or August next year, normal na uli ang inflation,” dagdag pa niya.

Nauna nang sinabi ng BSP na inaasahan nitong mag-a-average ang inflation sa 5.8% ngayong taon. Ganito rin ang naging projection noong nakaraang buwan. Mas mataas din ito sa target range na 2% hanggang 4%.

Inaasahan ang peak ng inflation ngayong Disyembre dahil sa mas mataas na presyo ng pagkain dulot ng mga nagdaang bagyo, at liquefied petroleum gas (LPG) at ng pagtaas sa singil sa koryente.