(Simula sa Hulyo 1) BAYAD PASAHE BALIK SA MRT-3

MANININGIL na ulit ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng pamasahe simula sa Hulyo 1.

Ito’y kasunod ng pagtatapos ng programang libreng sakay ng MRT-3 sa Hunyo 30 dahil sa pagpapalit ng administrasyon.

Mababatid na nasa P13 ang minimum fare sa kada istasyon ng tren habang P28 naman mula sa North Avenue hanggang Taft Avenue Station.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ito na ang pinakamatagal na libreng sakay sa kanilang operasyon na nagsimula noong Marso 28 kung saan naitala ang pinakamaraming bilang ng mga pasahero na umabot sa 381,814 noong Hunyo 10.

Ipinagmamalaki naman ng MRT-3 na ang bumuting operasyon nito ang iiwang pamana ng administrasyong Duterte at ng Department of Transportation (DOTR).

– DWIZ 882