TATAAS ang toll fee sa North Luzon Expressway (NLEX) simula sa Hunyo 15, 2023.
Sa pahayag ng NLEX Corp., ipatutupad ng kompanya ang toll rate adjustment na inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB).
Magkakaroon ng P7 dagdag sa open system, habang P0.36 kada ki- lometro ang kokolektahin sa closed system.
Sa ilalim ng bagong toll fee ma- trix, ang Class 1 vehicles ay magba- bayad ng karagdagang P7, Class 2 ay P17, at Class 3 vehicles, P19.
Sakop ng open system ang mga lungsod sa Metro Manila (Navotas, Valenzuela, at Caloocan) hanggang Marilao, Bulacan.
Samantala, saklaw ng closed system ang bahagi sa pagitan ng Bocaue, Bulacan at Sta. Ines, Maba- lacat City, Pampanga, kabilang ang Subic-Tipo.
Ang mga dadaan sa NLEX endto-end sa pagitan ng Metro Manila at ng Mabalacat City ay magbabayad ng karagdagang P33 para sa Class 1, P81 sa Class 2 at P98 para sa Class 3 vehicles.
Ang bagong rates ay bahagi ng awtorisadong NLEX periodic ad- justments na due noong 2012, 2014, 2018 at 2020.
Ang adjustment ngayong taon ang fourth at last tranche ng 2012 at 2014 adjustments, at kalahati lamang ng 2018 at 2020 increases, na ipinatupad upang mapigilan ang umiiral na inflationary situation at mapagaan ang epekto nito sa mga gumagamit ng expressway.