MAY bawas-singil ang dalawang water concessionaires kasunod ng pagtanggal ng 12 porsiyentong value-added tax (VAT) sa monthly bill ng mga consumer, ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage Systems (MWSS).
Magsisimulang maramdaman ng mga consumer ang bawas-singil sa Marso 21.
Sinabi ni MWSS Regulatory Office chief Patrick Ty na ang local at franchise tax na lamang ang ipapataw sa water bill matapos na ipasa ang legislative franchise ng Maynilad at Manila Water.
“The reason for the removal of VAT and imposition of taxes is the passage of legislative franchises to the 2 concessionaires. Since they are now required to have franchise, they are now subject to franchise tax,” sabi ni Ty.
Aniya, nasa 9.1 hanggang 10 porsiyento ang mababawas sa water bll, depende sa lokasyon ng consumer dahil iba-iba ang binabayarang local tax kada siyudad.
Nasa P7 hanggang P89 dn ang mababawas sa buwanang bill, depende sa laki ng konsumo.