(Simula sa Oktubre 15) TOLL HIKE SA NLEX CONNECTOR

DAPAT paghandaan ng mga motorista na dumadaan sa NLEX Connector para sa mas mataas na toll simula sa Martes.

Ito ay matapos aprubahan ng Toll Regulatory Board ang koleksyon ng bagong toll rates para sa elevated expressway, ayon sa pahayag ng NLEX Corp. nitong Sabado.

Sa bagong toll matrix, ang mga motorista na gumagamit ng Class 1 na sasakyan tulad ng mga regular na kotse at SUV ay sisingilin ng P119 mula sa dating toll na P86.

Samantala, ang mga Class 2 na sasakyan tulad ng bus at maliliit na trak at Class 3 na sasakyan o malalaking trak ay magbabayad ng P299 at P418 mula sa dating rates na P215 at P302.

Magiging epektibo ang mga bagong toll sa NLEX Connector simula Oktubre 15, 2024.

RUBEN FUENTES