(Simula sa Pebrero 1) UNCONSOLIDATED PUVs BABAWIIN NA ANG PRANGKISA

TULUYAN nang  mawawalan ng prangkisa ang  public utility vehicles (PUVs)  na nabigong makapag-consolidate pagsapit ng Pebrero 1, ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTr).

Sinabi ng DOTr na idedeklara  nang kolorum ang mga jeep na bigong tumalima sa consolidation sa mga kooperatiba o korporasyon.

Ito ay alinsunod na rin sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Ayon kay Anduy Ortega, maaari pa rin namang sumali sa ibang kooperatiba ang PUV drivers at operators na hindi nakapag-consolidate o mag-apply para sa consolidation.

Una nang nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itutuloy na PUV modernization program dahil marami nang operators ang nakapag-consolidate na umakyat na sa  76%.

Ito”y sa kabila ng panibagong anunsiyo ng grupong Manibela  na magsasagawa sila ng isa pang nationwide transport strike ngayong Martes.

EVELYN GARCIA