(Simula sa susunod na taon) PH BABAWASAN ANG FOREIGN BORROWINGS

PLANO ng pamahalaan na limitahan ang foreign borrowings nito upang mabawasan ang pagkakalantad sa foreign exchange risk, ayon kay Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto.

Ayon kay Recto, bagama’t kinokonsidera ng pamahalaan ang pag-iisyu ng ilang bonds, kabilang ang Euro, Yen, Sukuk o Islamic bond, at Dollar, ang plano ay ang ibaba ang foreign borrowings sa hanggang 10 percent.

“We’re considering all of them but we want to limit our foreign borrowings. We want to reduce that.

So next year, I think it’s 75-25. Possibly even 80-20,” sabi ni Recto.

Ang gross borrowings ay inaasahang aabot sa P2.570 trillion ngayong taon at bahagyang bababa sa P2.55 trillion sa 2025.

Plano ng gobyerno na mas magpokus sa domestic borrowing, kung saan ang financing mix na 75 percent domestic at 25 percent foreign ngayong taon ay magiging 80 percent domestic at 20 percent foreign mula 2025 hanggang 2028.

“I think the plan is to reduce that to 90-10. Not next year but over the medium term,” sabi ni Recto.

“Maybe even later [than 2028]. I don’t think we can do it all the way to 2028. But let’s say if you have a 70-30 borrowing mix, then 75-25, it will be 80-20, and then 85-15. So, what is the end goal?

To reduce your foreign exchange risk to 10 percent,” aniya.

Sinabi ni Recto na bagama’t ang 90-10 borrowing mix ay posibleng ipatupad ng susunod na administrasyon, “the plan is there and we set that in motion.” ULAT MULA SA PNA