QUEZON- EKSAKTONG hatinggabi ng Agosto 28, pinangunahan ni QPPO PD Col. Ledon D Monte,l kasama ang APC-SL, Lucena PNP, Quezon-HPG ang pagpapatupad ng sabayang checkpoints sa lahat ng pre-designated COMELEC Checkpoints sa buong lalawigan at sa lahat ng election officers sa 2 siyudad at 39 na bayan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) 2023.
Ang pagbabantay sa naturang Checkpoints ay gagamitan ng whole-of-nation approach strategy, kung saan ito ay pangangasiwaan ni Atty. Allan Enriquez, Provincial Election Supervisor ng Quezon Province katuwang ang PNP at iba’t-ibang security forces mula sa AFP, PCG, BJMP, at BFP at sa tulong ng komunidad.
Ang pinaigting na COMELEC-led multi-agency checkpoint ay pro-active measures para masigurado ang mapayapa, patas at tapat na halalan, kung saan malaya na lumahok sa halalan ang ang mga mamamayang botante. BONG RIVERA